PARIS (AP) – Lumikha ang French government ng isang emergency alert application na naglalayong magpadala ng mabilis na babala sa smartphone users kapag may nangyaring pambobomba, pamamaril o trahedya.

Ang app, dinebelop noong nakaraang taon matapos ang madugong pag-atake sa Paris, ay inilabas nitong Martes bago ang pagsisimula ng European Championship soccer tournament sa Hunyo 10.

Available sa English at French, maaaring i-configure ang app para maglabas ng smartphone alert kapag may nangyaring pag-atake sa di kalayuan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina