Ryan Cayabyab kasama ang composers at interpreters

PANGLIMANG taon na ngayon ng PhilPop na binuo ni Maestro Ryan Cayabyab sa pamamahala ni Chairman Manuel V. Pangilinan.

Sa gaganaping finals night ng PhilPop sa July 23, sa Kia Theater in Araneta Center, Quezon City, nalalaman kung sino sa Top 12 songwriters ang tatanggap ng PhilPop 2016 Grand prize.

Inilahad ni Maestro Ryan na exciting ang line-up of top interpreters sa taong ito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“We’re so proud of this year’s batch of entries kasi puro magaganda, wala kang itatapon. Medyo mahirap mag-judge dahil lahat ng songs puwedeng manalo.”

Narito ang Top 12 songs at ang kanilang interpreters:

Jeroel Maranan – Sintunado, interpreted by Nyoy Volante

JC Jose – Stars Are Aligned, interpreted by Acapellago & Jimmy Marquez

Jazz Nicolas at Wally Acolola - ‘Di Na Muli, interpreted by Itchyworms featuring Jazz Nicolas

Karl Gaurano and Daryl Reyes – Friday Night, interpreted by the Kenjhons

Miguel at Paolo Guico – Tinatangi, interpreted by Cookie Chua, Bayang Barios and The Benjamins

Johann Garcia – Binibini sa MRT, interpreted by The Juans

Ramiru Mataro – Kahon, interpreted by Ramiru Mataro

Joan Da – Baliw Sa Ex-Boyfriend Ko, interpreted by Sugar and Spice featuring Joan Da

Keiko Necesario – Nobody But You, interpreted by Monica Cuenco

Aikee Aplacador – Pabili Po, interpreted by Banda ni Kleggy and Aikee

Mike Villegas and Brian Cua – Dumadagungdong, interpreted by Yassi Pressman

Soc Villanueva – Lahat, interpreted by Jason Dy

Kung mapapansin, may composers na siya na ring nag-interpret ng kanilang kanta, at inamin ni Maestro Ryan na taun-taon ay pahirap nang pahirap ang pagkuha ng interpreters dahil ang mga celebrity singer ay natatakot na matalo sa kompetisyon. 

Kung noong nakaraang taon ay naging interpreters sina James Reid at Nadine Lustre, ngayon ay si Yassi Pressman ng Viva ang interpreter at kalaban pa niya ang nakababatang kapatid na si Issa Presman na member ng Sugar and Spice.

Sabay na ini-launch ang 2016 digital album of all the song entries at ang commemorative special edition book na PhilPop: Loud, Proud, Ours na sinulat ni Tina Dumlao. Bago rin ang trophy na matatanggap ng mananalo, likha ng isang national artist, pero hindi pa ito tapos at sa finals night na lamang makikita. (NORA CALDERON)