NEW YORK (AP) — Nanawagan ang NBA referees na alisin na ang “last two minute” report para bigyan ng pagkakataon na maitama ang maling desisyon ng referee.

Ayon sa National Basketball Referees Association nitong Martes (Miyerkules sa Manila), ang naturang regulasyon ay nagdududlot ng “more harm than good for the officials and the game.”

Naglabas ng kautusan ang liga para magbigay ng report ang mga referee sa pagpasok ng huling dalawang minuto ng laro.

Sa naturang pagkakataon, tinitimbang ang mga naging tawag para masuri ni Commissioner Adam Silver.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“Transparency encourages anger and hostility towards NBA officials,” sambit ng NBRA.

“Only people with extensive officiating experience should be in a position to review on-court decisions,” anila.