Pinayuhan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECH) ang mamamayan na maging handa sa paparating na La Niña sa bansa.

Ayon kay CBCP-ECH executive secretary Father Dan Cancino, dapat na pag-aralan ng publiko ang nagaganap na pagbabago sa klima ng mundo at paghandaan ang epekto nito upang makaiwas sa kapahamakan.

Kinakailangan rin aniyang maging mapagmatyag ang bawat isa sa mga kaganapan at panukalang dapat sundin ngayong tag-ulan.

Sinabi ng pari na hindi dapat na ipagwalang-bahala ng sambayanang Pilipino ang pagsapit ng La Niña at panahon ng tag-ulan dahil na rin sa banta ng dengue, leptospirosis, ubo, at sipon at iba pang mga kalamidad. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'