CABANATUAN CITY - Labing-isang oras na mawawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Pampanga at Nueva Ecija ngayong Huwebes, Hunyo 9.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Central Luzon Communications & Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, simula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi ay mawawalan ng kuryente sa dalawang lungsod at 10 bayan sa dalawang lalawigan.

Dahil sa preventive maintenance ng NGCP, magkaka-brownout sa Pampanga maliban sa Floriblanca, at sa Jaen, San Isidro, San Antonio at Cabiao sa Nueva Ecija. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van