APTOPIX DEM 2016 Clin_Luga (2) copy

WASHINGTON (AFP/AP) – Binati ni US President Barack Obama si Hillary Clinton noong Martes sa pagsungkit sa Democratic presidential nomination, at binabalak na makipagkita sa karibal ng huli sa partido na si Bernie Sanders, inihayag ng White House.

Tinawagan ni Obama sina Clinton at Sanders at kapwa binati ang dalawang kandidato “for running inspiring campaigns that have energized Democrats, brought a new generation of Americans into the political process, and shined a spotlight on important policy ideas,” sinabi ni White House press secretary Josh Earnest sa isang pahayag.

Sinabi rin niya na makikipagpulong ang pangulo kay Sanders sa White House, “at Sanders’ request,” sa Huwebes.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang late night statement, inilabas sa huling gabi ng major primaries sa California sa mainit na nominations race, ay nagbunsod ng mga haka-haka kung itutuloy ng self-described democratic socialist na si Sanders ang laban hanggang sa Democratic convention sa July, gaya ng paulit-ulit nitong iginiit, o tatanggapin ang pagkatalo.

Makakalaban ni Clinton, ang presumptive Democratic nominee, sa presidential elections sa Nobyembre si Republican nominee Donald Trump.

HISTORIC VICTORY

Sa New York City, idineklara ni Clinton ang kanyang panalo rally sa Brooklyn Navy Yard noong Martes ng gabi.

“Thanks to you, we’ve reached a milestone: the first time in our nation’s history that a woman will be a major party’s nominee,” sabi ni Clinton sa kanyang mga tagasuporta, walong taon simula nang araw na winakasan niya ang kanyang unang bigong pagtakbo sa White House. “Tonight’s victory is not about one person. It belongs to generations of women and men who struggled and sacrificed and made this moment possible.”

Binanggit niya ang kanyang sariling pagkatalo noong 2008 upang makakonekta sa mga tagasuporta ni Sanders.

"It never feels good to put our heart into a cause or a candidate you believe in and come up short," aniya. "I know that feeling well. But as we look ahead to the battle that awaits, let's remember all that unites us."

Sa rally sa Santa Monica, California, sinabi ni Sanders na nagkausap na sila ni Clinton ng gabing iyon, ngunit nangako pa rin na itutuloy ang laban sa final primary sa susunod na Martes sa District of Columbia at “take our fight for social, economic, racial and environmental justice to Philadelphia, Pennsylvania,” ang lugar ng convention.