OSLO (CNN) – Ang Norway ang naging unang bansa sa mundo na pumigil sa pamumutol ng mga punongkahoy, isang malaking hakbang tungo sa pagsugpo sa deforestation sa buong daigdig.
Sa bilis na itinatakbo natin ngayon, ang mga rain forest ng mundo ay maaaring lubusang makalbo sa loob ng 100 taon.
Nangako rin ang mga Norwegian lawmaker nitong linggo na maghahanap ng mga pagkukunan ng mahahalagang produkto gaya ng oil, soy, beef at timber upang maliit lamang ang magiging epekto nito sa kanilang ecosystem. Ito ang ipinangako ng Norway sa U.N. Climate Summit 2014, kasama ang Germany at United Kingdom.
Ayon sa United Nations, ang produksiyon ng palm oil, soy, beef at wood products ay nag-aambag sa halos kalahati ng kabuuang tropical deforestation.
Kapag nilinis at sinunog ang mga kagubatan, ang carbon sa mga punongkahoy ay nakakawala bilang carbon dioxide -- ang pangunahing greenhouse gas na nagpapalala sa climate change.