Putul-putol na bahagi ng katawan ng tao, na isinilid sa isang puting sako, ang nadiskubre ng isang vendor sa tapat ng Senate Building sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Pasay City Police chief Senior Supt. Joel Doria, dakong 5:30 ng madaling araw nang matagpuan ng vendor na si Meniano Samarro, 65, ang naturang sako habang nagwawalis siya sa harapan ng gusali ng Senado sa Diokno Avenue, Barangay 76, Zone 10.

Agad sinuri ni Samarro ang laman ng sako at halos bumaligtad ang kanyang sikmura nang makita ang mga putol na dalawang binti at braso ng tao.

Agad niya itong ipinaalam sa mga awtoridad.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sinusuyod na rin ng mga pulis ang iba pang lugar malapit sa Senado na posibleng pinagtapunan ng iba pang bahagi ng katawan ng hindi kilalang biktima.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng Southern Police District (SPD), at Pasay City Police upang matukoy ang pagkakilanlan ng biktima. (Bella Gamotea)