CEBU CITY – Sa kabila ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo, tiniyak ng Cebu Provincial Bus Operators Association at ng Cebu South Mini-Bus Operators Association publiko na hindi sila maghahain ng anumang petisyon upang itaas ang pasahe sa bus.

Ang dahilan, gayunman, ay higit na praktikal kaysa malasakit sa pasahero, ayon kay Julieto Flores, tagapagsalita ng dalawang organisasyon, sinabing hindi sila hihiling ng dagdag-pasahe dahil sa tumitinding kumpetisyon.

Ngunit iginiit ni Flores na maaaring pag-isipan pa ng mga bus operator ang kanilang desisyon sakaling humigit sa P35 kada litro ang presyo ng gasolina.

Pinahihintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Region 7 ang mga operator ng bus at minibus na maningil ng P8.50 sa unang limang kilometro ng biyahe at P1.45 sa bawat susunod na kilometro.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Gayunman, dahil sa matinding kumpetisyon, napipilitan ang mga operator ng bus at minibus sa Cebu na maningil lang ng P6 para sa unang limang kilometro ng biyahe at P1.20 sa bawat susunod na kilometro. (Mars W. Mosqueda, Jr.)