LOUISVILLE, Kentucky (AP) – Dalawang pangulo ng bansa at isang hari ang mangunguna sa pagbibigay ng parangal sa namayapang boxing legend na bantog bilang ‘The Greatest’.

Sa inisyal na impormasyon na ibinigay ng pamilya, kabilang sina Turkish President Recep Tayyip Erdogan at King Abdullah II ng Jordan ang magbibigay ng pagpupugay sa isasagawang memorial service para kay Muhammad Ali sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

Si dating US president Bill Clinton ang nakatakdang magbigay ng eulogy sa mga labi ni Ali na nakatakdang iparada sa kabuuan ng sinilangang bayan sa Louisville.

Bukod sa mga anak at maybahay, magbibigay din pagpupugay at pagpapahalaga sa hindi matatawarang kontribusyon ni Ali sa sports, pulitika at sangkatauhan sina actor/comedian Billy Crystal, broadcaster Bryant Gumbel, isang Protestant minister, dalawang Rabbis, at isang Mormon U.S. Senator.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“Everything that we’re doing here was blessed by Muhammad Ali and requested,” pahayag ni Bob Gunnell, tagapagsalita ng pamilya ni Ali.

“He wanted the memorial service to reflect his life and how he lived. And he wanted everyone to be able to attend.

He was the people’s champ, so we wanted the memorial service to reflect that,” aniya.

Magsisimula ang seremonya ng libing sa 30-minutong Islamic prayer sa Freedom Hall – ang pook kung saan ginanap ang huling laban ni Ali sa Louisville – kasunod ang prusisyon at ang memorial service sa KFC Yum Center kung saan inaasahang aabot sa 18,000 katao ang dadalo.