Hunyo 8, 1948 nang kilalanin ang aluminum prototype na tinawag na “No.1” bilang unang Porsche car.

Taong 1900 nang isapubliko ni Engineer Ferdinand Porsche ang kanyang unang disenyo sa World’s Fair na matatagpuan sa Paris. Ang nasabing sasakyan ay kayang tumakbo ng 35 milya kada oras.

Sa pagtatapos ng World War II, ikinulong si Porsche ng mahigit isang taon matapos maakusahan na nasangkot ito sa kaguluhan. Binuo ng kanyang anak ang race car Type 360 Cisitalia upang kumalap ng pera para piyansahan ang kanyang ama.

Matapos makalaya, pumayag ang nakatatandang Porsche sa Type 356, bagong sports car na ang inspirasyon ay ang mga dati niyang dinisenyo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon