Ilang araw bago magbalik-eskuwela sa Lunes, nagbabala ang Eastern Police District (EPD) sa publiko, partikular sa mga estudyante, na maging alerto at mapagmatyag kapag nagbibiyahe patungo sa paaralan.

“Gusto naming bigyang babala ng publiko, lalo na ang mga estudyante, na maging mapagmatyag kapag papunta sa eskuwelahan, lalo na sa pagsakap sa jeepney, bus, at tren, dahil dito nagsasamantala ang mga kriminal,” sabi ni EPD Director, Chief Supt. Elmer Jamias.

Sinabi ni Jamias na mahalagang alerto ang sinumang nagko-commute, at pinayuhan niya ang mga estudyante na laging siguruhin ang kaligtasan ng kanilang mga gamit.

“Sa mga magulang, huwag nilang aalisin ang paningin nila sa kanilang mga anak at siguruhing nasa loob na ng eskuwelahan ang bata bago umalis,” ani Jamias.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ito ang naging pahayag ng EPD kasunod ng pagtiyak na pagkakalooban nila ng seguridad at kaligtasan ang publiko kaugnay ng pagbubukas ng klase sa Hunyo 13 sa mga lungsod ng Marikina, Mandaluyong, Pasig, at San Juan.

Kasabay ng pagpapaigting sa kampanya kontra krimen sa mga lansangan patungo at sa paligid ng mga eskuwelahan, magbubukas ng mga Police Assistance Desk (PAD) sa mga buong bansa, sa pakikipagtulungan ng pulisya, mga tauhan ng barangay at pamunuan ng mga eskuwelahan.

Nagtoka na rin ang pulisya ng mga tauhan nito laban sa mga insidente ng bullying sa loob at labas ng mga paaralan, katuwang ang mga opisyal ng paaralan. (Betheena Kae Unite)