Nagsilikas ang may 300 sibilyan sa takot na maipit sa sagupaan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Barangay Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental.

Kasalukuyang tumutuloy sa gymnasium ang 45 pamilya o 300 katao sa pangambang maipit sa labanan sa dalawang sitio sa Bgy. Banglay.

Lumikas ang mga residente matapos makarinig ng apat na magkakasunod at malalakas na pagsabog.

Sinabi ni Fernando Dy, Jr., executive officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), na agad nilang binigyan ng medical check up at pinagkalooban ng food packs ang evacuees.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Dy, kinukumpirma pa kung totoong nagkaroon ng engkuwentro sa Bgy. Banglay sa Lagonglong.

Sinabi naman ni 58th Infantry Battalion officer Capt. Nestor Endoso na nagsasagawa na ng combat operation ang kanilang tropa hanggang sa narinig nila ang sunud-sunod na putok.

Hindi kinumpima ng militar kung nagmula sa mga rebelde ang malalakas na pagsabog.

Sinabi pa ng military na noong nakaraang linggo ay nasa 39 na pamilya rin ang nagsilikas mula sa Bgy. Bunal sa bayan ng Salay, makaraang sumiklab ang engkuwentro sa pagitan ng militar at NPA. (Fer Taboy)