Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang paghahain ng kaso sa Sandiganbayan laban kay Janet Napoles kaugnay sa umano’y anomalya sa paggamit ng pork barrel fund ni dating Davao Del Sur Representative Marc Douglas Cagas.

Sa isang resolusyon, iniutos ng SC ang pagbasura sa petisyong inihain ni Napoles na kumukuwestiyon sa desisyon at resolusyon ng Ombudsman na may petsang Hunyo 22, 2015 at Pebrero 10, 2016.

Tinukoy ng Ombudsman na may probable cause para ipagharap si Napoles ng dalawang bilang ng kasong graft at dalawang bilang ng kasong malversation of public funds dahil sa maanomalyang paggamit umano ng Priority Development Assistance Fund ni Cagas mula 2007 hanggang 2009 na nagkakahalaga ng P11 million.

Iginiit ng SC na hindi nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Ombudsman sa desisyon nito na may probable cause para isama sa kaso ni Cagas si Napoles. (Beth Camia)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'