Bigo ang Kamara de Representantes na maipawalang-bisa ang pag-veto ni Pangulong Aquino sa panukalang P2,000 pension hike para sa SSS retirees sa huling araw ng 16th Congress, kamakalawa ng gabi.

Pinangunahan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang pagsasara ng sesyon ng Kamara nitong Lunes ng gabi, ilang oras sa pagtatapos din ng sesyon sa Senado.

Nangangailangan lang 65 kongresista na susuporta sa panawagan ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na suportahan ang hakbang nai-override ang pag-veto ni Pangulong Aquino subalit hindi rin ito naisakatuparan.

Sa pamamagitan ng voice vote, sinopla ng Kamara ang mosyon ni Colmenares na i-override ang pag-veto ni Aquino sa pamamagitan ng House Bill 5842 na inihain ng militanteng kongresista.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bagamat sinegundahan nina Manila Rep. Amado Bagatsing at Buhay party-list Rep. Lito Atienza, isinulong ni Colmenares ang nominal vote sa akalang nakakuha na siya ng sapat na suporta para maaprubahan ang kanyang mosyon.

“This is the last day of our session...This is our historic chance to alleviate the plight of our pensioners,” malungkot na pahayag ni Colmenares.

Subalit inihirit ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na ang hakbang ni Colmenares ay maituturing na “exercise in futility” kahit pa makuha ng huli ang kanyang ninanais.

“We could no longer act on the motion, the Senate has already adjourned sine die. A special session must called by the President [to finish the task],” ayon sa kinatawan ng Mandaluyong City. (ELLSON A. QUISMORIO)