GENEVA (AFP) – Hinimok ng UN rights experts nitong Lunes si Philippine president-elect Rodrigo Duterte na itigil ang panghihikayat ng nakamamatay na karahasan, lalo na laban sa mga mamamahayag, kinastigo ang mga pahayag nito na mapanganib at iresponsable.

Inilarawan ni UN expert on summary executions Christof Heyns ang mga pahayag kamakailan ni Duterte na “irresponsible in the extreme, and unbecoming of any leader.”

Hinimok ni Duterte, 71, noong Sabado ang publiko na makiisa sa kanyang mabangis na anti-crime campaign, nag-aalok ng malaking pabuya sa publiko sa pagpatay sa mga drug dealer.

Sinabi rin niya nitong nakaraang linggo na dapat lamang mamatay ang mga mamamahayag na tumatanggap ng suhol o sangkot sa mga tiwaling aktibidad, na pinangangambahan na lalong hihikayat ng mas maraming pagpatay sa mga kasapi ng media.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“A message of this nature amounts to incitement to violence and killing, in a nation already ranked as the second-deadliest country for journalists,” babala ni Heyns sa isang pahayag.

May 174 na mamamahayag na ang pinaslang sa Pilipinas sa nakalipas na tatlong dekada simula sa panahon ng diktadurya ni Ferdinand Marcos.

Nagpahayag din ng pagkaalarma si UN independent expert on freedom of expression, David Kaye, sa mga pahayag ni Duterte.

“Justifying the killing of journalists on the basis of how they conduct their professional activities can be understood as a permissive signal to potential killers that the murder of journalists is acceptable in certain circumstances and would not be punished,” aniya.

“This position is even more disturbing when one considers that the Philippines is still struggling to ensure accountability to notorious cases of violence against journalists,” dagdag niya.

Partikular niyang binanggit ang masaker sa Maguindanao noong Nobyembre 2009 na ikinamatay ng 58 katao, kabilang na ang 32 mamamahayag – isa sa pinakamadugong pag-atake sa media workers sa buong mundo.

Binara din ni Kaye ang mga babala ni Duterte sa mga mamamahayag na hindi niya maigagarantiya ang kaligtasan ng mga ito “if you disrespect a person”.

“Such provocative messages indicate to any person who is displeased by the work of a journalist or an activist, for example, that they can attack or kill them without fear of sanction,” aniya.