Nakopo ni International Master Paulo Bersamina ang dalawang ginto sa boys 20-year old and Under rapid at blitz category open division, para sandigan ang matagumpay na kampanya ng Team Philippines sa 17th ASEAN Age-Group Chess Championship na ginanap sa Dusit Thani Hotel sa Pattaya, Thailand.

Ang tagumpay ni Bersamina ang nagligtas sa posibleng pagkabokya sa gintong medalya ng delegasyon sa kategorya matapos sumegunda nina Stephen Rome Pangilinan sa Under-14 rapid at Japeth Caresosa sa Under-14 blitz.

Sa pangkalahatan, pangalawa ang Team Philippines na may napagwagiang 29 na ginto, 44 na silver, at 19 bronze medal.

Winalis nina Mary Antoinette San Diego, Karen Jean Enriquez, at Benadette Galas ang 18-20 blitz category.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nagwagi naman si Daniel Quizon sa Under 12 rapid, subalit pumangatlo lamang sa Under-12. Si Mark Jay Bacojo naman ang nagwagi sa Under-10 rapid.

Napantayan ng mga batang woodpushers ang huling pagtatapos ng Pilipinas sa torneo na sinalihan ng 340 woodpusher mula sa 13 bansa.

“So close to being the overall champion but I think we did well in the tournament,” sambit ni NCFP executive director at delegation head GM Jayson Gonzales. (Angie Oredo)