Hiniling ng mga retirado ng Public Attorneys’ Office (PAO) sa korte na ipag-utos sa Department of Budget and Management (DBM) na ipamahagi na ang kanilang retirement benefits.

Sa kanilang inihaing urgent petition sa Quezon City Regional Trial Court (RTC), pinagbabayad din ng mga retirado ng PAO si DBM Secretary Florencio “Butch” Abad at si DBM Legal Service Chief Rowena Candice Ruiz ng tig-P400,000 bilang danyos sa pagkakaantala ng kanilang benepisyo.

Kabilang sa mga petitioner ay retired PAO lawyer Amelia Garchitorena, Bonifacio Guyot, Cynthia Vargas, Gaudencia Finez, Jr., Romeo Sunga, Teresita de Guzman, Jesus Garrucha, Jr., Marcelo Cabana, Reynaldo Casas, Carmelito Sumile, Renato Cabrido, Florencio Diloy, Macapangacat Mama, Elpidio Bacuyag, Oscar Melad, at Arnulfo Singson.

Bukod dito, inakusahan ng mga retirado sina Abad at Ruiz ng pagpapabaya sa kanilang tungkulin na isang paglabag umano sa RA 10154, na nag-aatas sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na tiyakin ang agarang pamamahagi sa mga retiradong kawani ng gobyerno ng kanilang retirement pay, pensiyon, gratuities, at iba pang benepisyo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(Jeffrey Damicog)