JERSEY CITY, N.J. (AP) – Sinabi ni Donald Trump na kumita siya ng malaking pera sa isang deal ilang taon na ang nakalipas kay Moammar Gadhafi, sa kabila ng pagpahiwatig ng mga panahong iyon na wala siyang ideya na ang dating Libyan dictator ay sangkot sa pag-uupa sa kanyang ari-arian sa suburban New York.

Sa paglabas niya sa “Face the Nation” ng CBS na inere nitong Linggo, sinabi ni Trump na: “Don’t forget, I’m the only one. I made a lot of money with Gaddafi, if you remember.’’

Sinabi ni Trump na si Gadhafi “had to make a deal with me because he needed a place to stay.” Idinagdag niya na hindi natuloy doon si lugar si Gadhafi “and it became sort of a big joke.’’

Ang tinutukoy niya ay ang kakatwang insidente noong 2009 nang desperadong naghanap si Gadhafi ng lugar para mapagtayuan ng Bedouin-style tent nito habang bumibisita sa U.N. General Assembly

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina