Nakahain sa Kamara ang panukalang maglalagay ng tanging daanan o special lane at mekanismo sa tawiran sa lansangan para sa mga taong may kapansanan (PWD), matatanda at mga buntis.
Layunin ng House Bill 6505 na inakda Rep. Evelio R. Leonardia (Lone District, Bacolod City) na pagkalooban ang PWD, senior citizens at mga buntis ng natatanging tawiran para sa kanilang proteksiyon at kaligtasan sa lansangan.
“Although there is already a law which establishes special lanes within certain establishments, there is a need to extend such accommodation outside the streets where they are expose to higher risk and danger,” ayon sa kanya.
(Bert de Guzman)