Patuloy ang adhikain ng Shell sa pagpapalaganap ng chess sa mga lalawigan sa pagsulong ng ika-24 edisyon ng Shell National Youth Active Chess Championships simula sa Hunyo 11-12 sa SM Megamall Event Center.

May kabuuang limang leg ang torneo na gaganapin sa iba’t ibang lungsod ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Gaganapin ang National Capital Region leg tampok ang kabataan na naghahangad na mapataas ang antas ng kaalaman sa sports at mabigyan nang pagkakataon na mapasama sa National Team sa hinaharap.

Ang mangungunang tatlong player sa kiddies, junior at senior divisions, gayundin ang mangungunang female competitor ay makakasama sa national finals na nakatakda sa Oktubre 1-2.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“We expect another full-packed field this year, especially with chess becoming popular again among the youth,” sambit ni Melanie Bularan, Social Performance and Social Investment Manager ng Pilipinas Shell.

“This is one of Shell’s innovative and sustainable programs for nation-building and we are hoping to continue discovering new talents from an ever-growing number of players now taking up the sport, especially at this stage when the tournament is set to celebrate its 25th anniversary in 2017,” aniya.

Sa pagtatapos ng five-leg elimination, ang kabuuang 48 player – tig-16 sa bawat category – ang maglalaban-laban sa grand finals at naghihintay ang parangal sa magiging kampeon.

Kabilang sa kiddies division ang mga batang may edad 7 hanggang 12 (ipinanganak sa pagitan ng 2004-2009), habang ang kwalipikado sa juniors category ang mga player na may edad 13 hanggang 16 (ipinanganak sa sa taong 2000-2003) at ang seniors category ay may edad 17 hanggang 20 (ipinanganak sa pagitan ng 1996-1999).

Ang mga dating nagwagi sa mga nakalipas na torneo ay pinapayagang makalaro sa tamang division na kanilang kinalalagyan.

Bukas na ang pagpapatala, bisitahin ang www.shell.com.ph/shell_chess. Maaari ring makipag-ugnayan kay tournament coordinator Alex Dinoy sa mobile no. 0918-3705750 o 0922-8288510.