Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ng detinadong senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr. na makadalo sa huling tatlong araw ng sesyon sa Senado.

Sa ruling ng First Division ng anti-graft court, tinanggihan nito ang kahilingan ni Revilla dahil sa “kakulangan nito ng merito at idinahilan din ang dati nang kautusan ng Korte Suprema na hindi dapat makapagpatuloy sa kanyang trabaho o propesyon ang mga nakakulong na akusado”.

“It is a matter of record that accused Revilla Jr. is a detention prisoner whose petition for bail had been denied.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

As such, he cannot discharge his office while in detention,” ayon pa sa korte.

Nauna nang binanggit ni Revilla sa kanyang mosyon na makadalo siya sa sesyon sa Senado sa Hunyo 6-8 upang magampanan niya ang trabaho at maipagpatuloy ang pagsisilbi sa publiko.

“Indeed, the Court cannot consider the accused-movant’s prayer as a special circumstance which could be treated as an exception to the general restrictions on his rights as detention prisoner,” pagdidiin ng hukuman.

Si Revilla ay dalawang taon nang nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon dahil sa umano’y pagtanggap ng P224.5-milyon kickback mula sa kanyang pork barrel fund na ginamit sa mga “ghost project” sa tulong ng mga bogus na non-government organization (NGO) na itinatag ni Janet Lim Napoles.

(Rommel P. Tabbad)