Ipinagdarasal ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang kabutihan ng mga itinuturing silang kalaban.
“Mine is the silence of respect for those who consider us their enemies but whose good we truly pray for and whose happiness we want to see unfold,” sabi niya sa isang pahayag nitong Linggo.
Magugunita na sunod-sunod ang naging patutsada ni incoming president Rodrigo Duterte laban sa Simbahang katoliko at mga lider nito.
Gayunman, walang binanggit na pangalan ng indibidwal o grupo si Villegas.
Kahit nag-react si retired Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa mga pahayag ni Duterte, nananatiling tahimik ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Sa kanyang pahayag, ipinaliwanag din ni Villegas ang kahalagahan ng pananahimik na aniya ay hindi palaging nangangahulugan ng kaduwagan.
“Do we always interpret silence as fear of the cowards; the destiny imposed on the unwilling mute; the refuge of the guilty? It is not always so,” aniya. (Leslie Ann Aquino)