Mga laro ngayon

(JCSGO Gym- Cubao)

2 n.h. -- Racal Tile vs AMA

4 n.h. -- Phoenix vs Tanduay

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sisimulan ng reigning Aspirants Cup champion Phoenix ang kampanya para sa back- to-back championship sa pakikipagtuos sa opening day winner Tanduay ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2016 PBA D League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Nakapasok sa Final Four noong nakaraang conference pagkalipas ng ilang taon, naniniwala si Tanduay coach Lawrence Chongson na may kakayahan ang kanyang koponan na mas maging mahusay.

Gayunman, nais ni Chongson na agad masolusyunan ang naging problema sa opening day na nawala ang kanilang naunang 20 puntos na kalamangan bago naitala ang 70-66 tagumpay.

“Hindi naman AMA lagi ang kalaban namin. Kung yung nilaro namin sa fourth quarter ang ilalaro namin, matatalo kami. Pero kung yung first three quarters ang lalabas sa Tuesday, we may be able to give Phoenix a good fight,” sambit ni Chongson.

Inaasahang muling mamumuno para sa Rhum Masters sina Rudy Lingganay, Val Acuna, at Jaypee Belencion.

Sa kabilang dako, tiyak namang sasandigan ang Phoenix nina Gilas cadets Mac Belo, Mike Tolomia at Roger Pogoy kasama si dating University of Santo Tomas standout Ed Daquioag sa una nilang pagsalang sa tampok na laro sa 4:00 ng hapon.

Mauuna rito, nakatakda ring sumabak sa unang pagkakataon ang bagong- bihis na Racal team kontra AMA ganap na 2:00.

Nasa roster ng Tile Masters sina Jamil Ortuoste at Rashawn McCarthy para samahan ang mga dating mainstay sa koponan na sina Jonathan Grey at Philip Paniamogan. (Marivic Awitan)