Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell at Phoenix Petroleum Philippines, ngayong Martes ng umaga.

Sa pahayag ng Shell at Phoenix Petroleum, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Hunyo 7 ay magtataas ang mga ito ng 15 sentimos sa kada litro ng diesel kasabay ang tapyas ng kaparehong presyo sa gasolina.

Asahan ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kaparehong dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sa mga susunod na araw.

Ang price adjustment ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Sa huling datos ng Department of Energy (DoE), ang presyo ng diesel sa Metro Manila ay nasa P25.15-P29.40 kada litro habang P36.65-P43.90 naman sa gasolina.

Nitong Mayo 31, nagtaas ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Shell, ng 55 sentimos sa presyo ng kerosene, 40 sentimos sa diesel, at 35 sentimos sa gasolina. (Bella Gamotea)