HELSINKI (AFP) – Sa kailaliman ng isang luntiang isla, naghahanda ang Finland na ibaon ang highly-radioactive nuclear waste nito sa loob ng 100,000 taon – tatakpan ito at itatapon maging ang susi.
Ang maliit na isla ng Olkiluoto, sa west coast ng Finland, ang magiging tahanan ng world’s costliest and longest-lasting burial ground, isang network ng mga tunnel na tinatawag na Onkalo -- salitang Finnish para sa “The Hollow”.
Nag-iisip ang mga bansa kung ano ang gagawin sa mapanganib na by-products ng nuclear power simula nang itayo ang unang planta noong 1950s.
Karamihan ng mga bansa ay pansamantalang inimbak ang basura sa temporary storage facilities ngunit ang Onkalo ang unang pagtatangka na ibaon ito nang tuluyan.
Simula sa 2020, binabalak ng Finland na ilagay ang 5,500 tonelada ng nuclear waste sa mga tunnel na mahigit 420 metro (1,380 feet) sa ilalim ng lupa.
Lokasyon na ng isa sa dalawang nuclear power plant ng Finland, ang Olkiluoto ngayon ay lugar ng tunnelling project na magkakahalaga ng hanggang 3.5 billion euros ($4 billion) hanggang sa makumpleto ito 2120s, kung kailan habambuhay na isasara ang mga vault.