Nanawagan kahapon ang grupo ng mga lumad kay President-elect Rodrigo Duterte na tulungan sila sa legal na hakbang upang tuluyang paalisin ang mga sundalong sumakop sa kanilang mga komunidad sa Mindanao.

Nabatid kay Eule Rico C. Bonganay, media liaison officer ng Save our Schools Network (SOSN), nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang mga lumad at si UP Chancellor Michael Tan para manawagan kay Duterte na paalisin na ang mga sundalo sa kanilang mga komunidad upang makauwi na ang mga lumikas na katutubo at mabuksan na ang mga eskwelahan sa pagsisimula ng klase sa Hunyo 13. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor