ANG pagsisimula ng bagong taon ay laging inaabangan dahil ito ay nagbabadya ng pag-asa at nagbubukas ng magandang oportunidad.
Para sa lead actress ng Dolce Amore na si Liza Soberano, nariyan ang pagnanais niyang magtagumpay pang lalo sa larangang kanyang tinatahak at ang pag-angkin sa mas magandang kinabukasan. Pero nais din niyang mag-invest sa mga bagay na gusto niya at nagpapaligaya sa kanya tulad ng kanyang hobbies at interests.
Bagamat hindi pa siya puwedeng magkaroon ng credit card, gusto niya ang ideya na puwede na siyang mamili on her own kahit hindi niya kasama ang kanyang mga magulang. Excited na nga siya na mag-browse sa kanyang mga paboritong fashion boutique.
“I just can’t wait to shop. Mabuti na lang may bagong prepaid card Yazz na puwede kong gamitin para makabili ng mga item na gusto ko,” sabi ni Liza.
Nakipag-partner ang Yazz sa Family Mart. Sa kagustuhang makapagbigay ng convenience sa mga Pinoy saan man at anumang oras, ang Metrobank Card Corporation (MCC) ay lumagda sa partnership agreement with Philippine FamilyMart CVS, Inc., ang franchiser of the Tokyo-based convenience store brand para lumawak ang reach ng newest offering nito, ang Yazz card nitong nakaraang Pebrero.
“Ang Yazz card ay isang innovation kung saan ang mga tao ay puwedeng mag-load sa kanila at gamitin ito kahit saan. It’s basically a card that can do much of everything — all with a single swipe. No need to carry huge amounts of cash in the wallet,” sabi ni Riko Abdurrahman, presidente ng MCC. “And with the newly-formed partnership we have with FamilyMart, it ensures the availability of the card in practically everywhere and anytime. Now, everyone can have access to the perks of having a Yazz card.”
Sa halagang P300, puwede ka nang mag-avail ng isang prepaid Visa card na mabibili sa merchant partners (SM Hypermarket, SM Supermarket, SM Business Centers, Save More, FamilyMart, Waltermart, CD-R King, at Robinson’s Business Center) nationwide. Kailangan lang magbigay ng essential details for registration kalakip ang isang valid ID, at sa sandaling ma-activate ang card, puwede na itong gamitin, kaya napakadali ng proseso.
Madali rin mag-load ng funds sa Yazz prepaid card. Magtungo lamang sa loading partners nationwide at ibigay ang inyong Yazz number. Ang minimum load amount ay P100 per transaction, samantalang ang maximum load per day is P10,000. May kaukulang loading fee na P20 na automatically deducted sa bawat loading transaction. Maaaring i-check ng users ang load sa pamamagitan ng Yazz mobile app, website, ATM, customer service or via SMS inquiry.
(LITO MAÑAGO)