Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

11:00 n.u. -- Perpetual vs Ateneo

1:30 n.h. -- NU vs Adamson

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

3:15 n.h. -- Arellano vs San Beda

5:00 n.h. -- FEU vs La Salle

Matira ang matibay sa pag-aagawan ng walong koponan sa apat na semifinal seat sa nakatakdang rambulan ngayon sa knockout quarterfinals ng 2016 Fil Oil Flying V Premier Cup sa San Juan Arena.

Magkakasukatan ng lakas ang undefeated La Salle at ang reigning UAAP champion Far Eastern University sa tampok na laban ganap na 5:00 ng hapon.

“Parang measuring stick na namin to para masukat kung hanggang saan na yung inabot ng aming preparation kasi sila yung defending champion,” pahayag ni La Salle coach Aldin Ayo.

Mauuna rito, maghaharap sa unang laro ang Group A second qualifier University of Perpetual Help at ang Group B third qualifier na Ateneo de Manila sa pambungad na laro ganap na 11:00 ng umaga.

Kasunod nito,magtutuos sa ikalawang laro ganap na 1:30 ng hapon ang Group A topnotcher National University at ang Group B fourth qualifier Adamson.

Isang malaking hamon ang nasabing laban para sa Falcons na nasa rebuilding process sa ilalim ng bagong coach na si Franz Pumaren na umaasang maiaangat ang koponan mula sa pagiging cellar dweller sa darating na UAAP Season.

Samantala isa pang laban, magtutunggali ang Group B second qualifier San Beda College at kapwa NCAA squad Arellano sa 3:15 ng hapon. (Marivic Awitan)