Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga magulang at guardian na maaaring makasama sa kalusugan ng batang mag-aaral ang pagbitbit ng napakabigat na bag sa eskuwela.

Wala mang inirekomendang tiyak na timbang ng schoolbag ang kagawaran ng kalusugan, sinabi ni DOH Spokesperson Lyndon Lee Suy na dapat tiyakin ng nakatatanda na ang mga bata ay hindi magbibitbit ng napakabigat na bag papasok sa eskuwela simula sa susunod na linggo.

“We do not recommend any specific weight of these bags but they should be easily carried by children when going to school,” wika niya sa isang panayam.

Sinabi ni Lee Suy na ang pagbitbit ng napakabigat na school bag ay maaaring magdulot ng physical disfigurements gayundin ng chronic shoulder, neck, at back pain sa mga bata.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“They might have trouble maintaining proper standing posture and even experience back pains and spinal complications,” babala ni Lee Suy. (Charina Clarisse L. Echaluce)