KALIBO, Aklan – Nakaalerto na ang lalawigan ng Aklan sa posibleng bugso at epekto ng La Niña.
Ayon kay Galo Ibardolaza, hepe ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office, inilabas na ang mga rescue equipment ng iba’t ibang munisipyo para kaagad na magamit kung kinakailangan.
Bukod sa inaasahang landslide at pagbaha, problema rin ang kidlat sa bayan ng Libacao, Aklan dahil apektado ang mga residente roon. Dalawang katao na ang namatay at apat ang nasugatan nang tamaan ng kidlat.
Binabantayan din ang Aklan River na kadalasang dito nagsisimula ang pagbaha kapag tumaas ang tubig. (Jun N. Aguirre)