SAN JOSE, Tarlac – Anim na pinaghihinalaang illegal logger ang naaktuhan ng Municipal Environment Task Force na nagkakarga sa sasakyan ang 6 na parisukat na troso ng punong kalantas sa Sitio Bimaribar, Barangay Moriones, San Jose, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Arham Mablay, investigator-on-case, ang mga inaresto na sina Agustin Guieb, Jr., Roberto Dumlao, kapwa 47-anyos, ng Bgy. Patling, Capas, Tarlac; Herbert Mayuyo, 31; Roger Dela Cruz, 24; Jayson Lopez, 22, ng Bgy. Bueno, Capas, Tarlac at Rayman Agas, 36, ng Bgy. Iba, San Jose, Tarlac.

Isang concerned citizen ang tumawag sa pulisya at sinabing nakakita siya ng mga ikinakargang troso. Kaagad na nakipag-ugnayan sa pulisya ang Municipal Environment Task Force at naaresto ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal logging. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito