ASTANA, Kazakhstan (AP) — Inamin ng Kazakhstan na limang atleta nito ang nagpositibo sa re-testing na ginawa sa kanilang doping samples mula sa 2008 at 2012 Olympics.

Ayon sa Kazakhstan National Olympic committee, limang “A’’ sample ang nagpositibo sa droga at ipadadala nila sa Switzerland ng “B” sample para masuri at makumpirma ang resulta.

Hindi pinangalanan ang mga atletang sangkot, gayundin ang sports na kanilang kinaaaniban.

Sentro ng doping scandal ang Central Asian nation sa nakalipas na mga taon, partikular sa weightlifting at cycling.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Isinasagawa ng IOC ang re-testing sa mga samples ng mga atleta na sumabak sa Beijing at London Olympics upang mapigilan ang mga atletang gumagamit ng performance-enhancing drug na makalahok sa Rio Games.

Ipinahayag naman ng Russian Olympic Committee, na negatibo ang resulta sa ipinadala nilang “B’’ samples nina race walker Denis Nizhegorodov at rower Alexander Kornilov.