SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Dalawang hinihinalang tulak ng shabu ang nasakote ng pinagsanib na operatiba ng Intel/Drug Enforcement Unit ng San Jose City Police sa mga buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinarating ni P/Insp. Ronald Valdez Gonzales kay P/Supt. Reynaldo SG Dela Cruz, bagong hepe ng San Jose City Police, unang nakorner ng team sa Rufina Homes IV, Barangay Sto. Nino 2nd si Alfredo “Apog” dela Cruz, 20, residente ng Zone 10-A, Bgy. Abar 1st na nakumpiskahan ng 8 plastic sachet ng shabu at P500 marked-money nang maaktuhan sa pagbebenta ng droga sa lugar.

Sunod na nasakote si Jason Reyes, 30, binata, tricycle driver, sa R. Eugenio Street, Bgy. Canuto Ramos ng lungsod na nakumpiskahan ng 11 plastic sachet ng shabu at P500 marked-money na ginamit sa buy-bust.

Ang dalawang suspek ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Anti-illegal Drugs Act of 2002. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?