Tinatayang aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa isang sunog na sumiklab sa isang residential compound sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 5:56 ng gabi nang magsimula ang sunog sa kisame ng inuupahang kuwarto ng isang alyas Joseph, na nasa ikalawang palapag ng isang two-storey commercial-residental building sa Arlegui Street sa Quiapo. Ang gusali ay pagmamay-ari umano ng pamilya Tuazon.

Napaulat na mabilis na kumalat at apoy sa gusali at sa katabi nitong gusali, na gawa sa light materials.

Umabot ng Task Force Charlie ang sunog bago tuluyang nakontrol ng mga pamatay-sunog dakong 8:00 ng gabi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Wala iniulat na nasawi sa sunog, bagamat isang Danilo Ranola ang iniulat na nasugatan matapos na mapatid ng hose ng humahagibis na fire truck. Agad na nadala sa ospital si Ranola.

Laking panlulumo naman ng mga residente dahil bukod sa wala na sila halos nailigtas na gamit mula sa sunog ay may mga kawatan pang nagsamantala sa sitwasyon at pinagnakawan pa sila.

Posible umanong faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na tumupok sa nasa P4 milyon halaga ng ari-arian.

Samantala,nagsasagawa pa ng mopping operation sa Quiapo ay isa na namang sunog ang sumiklab sa loob ng isang convenience store ng isang gasolinahan sa Pandacan.

Agad ding naapula ang sunog, at nasa P100,000 ang napinsala ng pagliliyab, na aberya sa linya ng kuryente ang tinitingnang sanhi. (Mary Ann Santiago)