YENG Constantino and Karylle has something in common, pareho silang singer at magkasama as judges sa segment na “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime. Yeng and Karylle are both married at pareho rin silang naghihintay na mabuntis o magkaroon ng baby.
Lalo na si Yeng na inaming masaya siya sa kanyang buhay sa piling ng asawa.
“Like last night lang sobrang nag-tha-thank you ako sa kanya. Sabi ko sa kanya kagabi, ‘Uy thank you, ha, you always make me feel so beautiful.’ Kasi sobra niya lang talaga akong nilo-love everyday, inaalagan niya ‘yung emotions ko, ‘yung heart which alam ko talaga na hindi function ng lalaki. A lot of guys are very stoic pero alam ko na talagang dini-direction talaga niya ‘yung heart niya to always understand my heart lalo na artist pa naman ako so alam mo naman iba ‘yung depth ng emotion so he is really adjusting to me,” ani Yeng.
With regards to having a baby?
“Feeling ko malapit na rin kasi this morning nanaginip ako, nanganak ako ng triplets. Kasi ‘yung friend ko pa kahapon nakita ko siya, buntis siya, sabi ko nakakainggit buntis siya ‘tapos ‘yung sister-in-law ko ‘yung asawa ng kapatid niya, buntis na, medyo naiingit na ako.”
Nasa tamang panahon daw kung saka-sakaling mabubuntis siya, after all andaming trabaho ni Yeng sa ngayon.
“Ang dami ring blessings na dumarating ngayon, may I Love OPM ako, meron akongTawag ng Tanghalan, may ASAP na ako ulit so sobrang blessings talaga so medyo dini-delay namin (ang pagkakaroon ng baby),” ani Yeng. --Ador Saluta