KZ, Iñigo at Yeng

KZ, Iñigo at Yeng

“CORNERSTONE ba ang producer ng We Love OPM: The Celebrity Sings-Off?” tanong ng isang kaibigan namin na ikinagulat namin.

Nang usisain namin kung bakit ito ang tanong niya, ang sabi, “Kasi puro Cornerstone talents ‘yung celebrity contestants isama mo pa ang judges,” katwiran sa amin.

Hindi kasi namin napapanood ang nasabing programa na umeere tuwing weekends kaya pinanood tuloy namin nitong nakaraang Sabado at napa-’oo nga, puro alaga ng Cornerstone ang nasa TV’ kami sa kaibigan namin.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Puro kasi alaga ni Erickson Raymundo ang mga kasama sa We Love OPM:  The Celebrity Sings-Off tulad nina Richard Poon, Erik Santos, Kyla, KZ Tandingan at Yeng Constantino na nagsisilbing voice coach at sina Markki Stroem, Alex Diaz, Emmanuel at Liezel Garcia.

Pero may ibang singers din na alaga ng Star Magic na kasama sa show tulad nina Jovit Baldovino, Klarisse de Guzman, Ylona Garcia, at Bailey May.

Mala-The Voice ang dating ng We Love OPM dahil tinuturuan ng mga voice coach ang kani-kaniyang grupo. Ang nanalo nitong Sabado ay ang Divas na grupo ni Kyla at binubuo nina Liezel, Klarisse at Emmanuel sa awiting Gaya Nang Dati ni Gary Valenciano na judge nang gabing iyon.

Singer din si Sam Milby pero mukhang hindi niya kakayanin dahil abala siya sa taping ng Doble Kara. Nag-click ang We Love OPM kaya siguro isinunod itong Celebrity Sings-Off version na super click din dahil parang nanonood ka ng concert tuwing weekend.

Ano na ang nangyari sa The Voice (adult), bakit nawala na? Sabagay, mas click kasi ang The Voice Kids, di ba, Bossing DMB? --Reggee Bonoan

(Mismo! --DMB)