Mga laro bukas (Rizal Memorial Baseball Field)

7 n.u. -- BULSU vs ADMU- B

9 n.u. -- UP vs UST

 

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Tinuruan ng leksiyon ng beteranong Thunderz ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Smokey upang ipormalisa ang pag-usad sa quarterfinals ng PSC Commissioners Baseball Cup kahapon, sa Rizal Memorial Baseball Field.

Sinimulan ni Adrian Bernardo ang mainit na opensa ng Thunderz sa naitalang run sa first inning bago sinundan ng anim na run sa second inning, dalawa sa ikatlo, tatlo sa ikaapat, dalawa sa ikalima, apat sa ikaanim at isa sa ikapito tungo sa ikatlong panalo sa apat na laro.

Nag-ambag kay Bernardo (3-at-bat, 1 run, 3 hit, 1 RBI) sina James Legaspi (5AB, 3R, 3H at 3RBI), Tino Ubungen (3AB, 3R, 3H at 2RBI), Justin Zialcita (4AB, 2R, 2H at 2RBI), Miguel Flores (4AB, 2R at 2H), Kevin Ramos (5AB, 1R, 2H at 2RBI) at Welvin Vispo (2AB, 3R, 2H at 1RBI), upang okupahan ng Thunderz ang ikalawang silya sa Pool B.

Makakaharap naman ng nagtatanggol na kampeong Philippine Air Force (PAF) na nanguna sa Pool A sa do-or-die cross-over quarterfinals ang magwawagi sa salpukan ng University of the Philippines (UP) at University of Santo Tomas (UST) mula sa Pool C.

Sasagupain ng dating kampeon na IPPC Hawks na nanguna sa Pool C ang National University (NU) Bulldogs na pumangalawa sa Pool A. Naghihintay naman ang Unicornz at Thunderz sa makakasagupa nito sa quarterfinals na magmumula sa top two teams ng Pool D. - Angie Oredo