TAIPEI ( Reuters) – Sinabi ng bagong defense minister ng Taiwan nitong Lunes na hindi kikilalanin ng isla ang air defense zone na idineklara ng China sa South China Sea, kasabay ng babala ng top security agency ng isla na ang ganitong hakbang ay maaaring mag-imbita ng tensiyon sa rehiyon.
Nagpahayag ng pagkabahala ang mga opisyal ng U.S. na ang international court ruling na inaasahan sa mga susunod na linggo sa kaso ng Pilipinas laban sa China kaugnay sa mga karapatan sa South China Sea ay maaaring magtulak sa Beijing na magdeklara ng air defense identification zone (ADIZ), gaya ng ginawa nito sa East China Sea noong 2013.
“We will not recognize any ADIZ by China,” pahayag ni Taiwan defense minister Feng Shih-kuan sa mga mambabatas sa parliamentary session.
“In the future, we don’t rule out China designating an ADIZ. If China is on track to announce this, it could usher in a new wave of tension in the region,” sabi ng Taiwan National Security Bureau sa ulat na iprinisinta sa parliament.