Ni Niño N. Luces

CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Nasawi ang isang pulis habang dalawang kasamahan niya ang nasugatan matapos silang tambangan ng hindi mabilang na armado, na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), sa Barangay Gangao, Baleno, Masbate, madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang nasawi na si PO2 Jack Brondial, habang nasugatan naman sina PO1 Warren Amistoso at PO1 Rex Valdemoro.

Sinabi ni Calubaquib na pabalik na ang tatlong pulis sa himpilan ng pulisya sakay sa Hi-Lux patrol car, matapos magsagawa ng imbestigasyon sa isang bangkay na natagpuan sa Bgy. Gangao, at nang makarating ang mga ito sa hangganan ng Bgy. Lagta sa Baleno ay sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa gilid ng kalsada.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang pagsabog ay sinundan ng pagpapaulan ng bala, na sinikap na iwasan ng sasakyan, hanggang sa bumangga ito sa isang kongkretong pader may 120 metro ang layo mula sa lugar ng pagsabog.

Ayon kay Calubaquib, grabe ang natamong pinsala ni Brodial sa ulo na agad nitong ikinamatay. Dinala naman sa ospital sina Amistoso at Valdemoro makaraabf umurong ang mga rebelde sa mga kabundukang barangay sa Aroroy, Masbate.