HAVANA (Reuters) - Inuunti-unti na ng Puerto Rico ang mga hakbangin sa pagpapatayo ng isang commercial office sa Cuba, sinabi ni Governor Alejandro Garcia Padilla sa pagdaraos ng Caribbean summit sa Havana.

Si Garcia Padilla ang unang Puerto Rican governor na bibisita sa Cuba, na inilarawan niya bilang isang “prebilehiyo”, at sinabing mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga lokal na opisyal at ng publiko.

Dumating si Garcia Padilla sa Havana noong Huwebes upang dumalo bilang observer sa summit ng Association of Caribbean States nitong Sabado.

Internasyonal

Susunod na Santo Papa, hindi dapat muna isipin, ayon sa dalawng pari