Patay ang isang pedicab driver, sinasabing sangkot din sa pagtutulak ng shabu, nang pagbabarilin ng isang lalaki sa Baseco Compound, Manila.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ariel Arellano, 34, ng Block 9, Extension, Baseco Compound.

Sinabi ni PO3 Micahel G. Maragun, officer-on-case, na dead on the spot si Arellano nang pagbabarilin ito sa tapat ng kanyang bahay dakong 4:00 ng hapon nitong Biyernes.

Bago ang insidente, sinabi ni Heriella Bailing, kinakasama ng biktima, na isang “Lucky” ang dumating sa kanilang bahay at sinundo si Arellano.

National

'Marcos pa rin!' Sen. Imee nag-react sa joke ni VP Sara, 'di papalitan apelyido

Pagkalipas ng ilang minuto, nakarinig umano si Bailing ng sunud-sunod na putok dahilan upang siya’y tumakbo palabas ng bahay at nakitang nakahandusay si Arellano sa kalsada at naliligo sa sariling nitong dugo.

Ayon sa mga pulisya, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay kay Arellano matapos aminin ni Bailing na nagtutulak din ng shabu ang kanyang kinakasama. - Analou de Vera