Mahigit P6.4-milyon ayuda ang natanggap ng Department of Education (DepEd) sa inilunsad na “Brigada Eskuwela” para sa taong ito.

Kabilang dito ang 1,000 bisikleta para sa iba’t ibang paaralan sa bansa, at isa ang Sta. Cruz Pingkian National High School sa nakatanggap ng 81 bisikleta, at 150 bisikleta naman para sa Kakiduguen National High School sa Nueva Vizcaya, ayon sa DepEd.

Nakatanggap naman ng bangka ang kagawaran na gagamitin sa paghahatid-sundo sa mga bata sa liblib na komunidad sa lalawigan, bukod pa sa 14,000 ilaw, tulad ng solar lamps. - Jun Fabon

Tsika at Intriga

'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens