Ni ADOR SALUTA

Julie Ann San Jose

Julie Ann San Jose
MABIBILANG sa daliri ang masisipag nating celebrities na kayang pagsabayin ang showbiz career at studies. Isa sa kanila ang Kapuso singer/actress na si Julie Anne San Jose na ngayo’y ipinagmamalaking college graduate na siya sa wakas. 

Nagtapos ng  kursong  Communication Arts  si Julie Anne sa Angelicum College, Quezon City kamakailan. 

Sa kanyang Instagram post kasama ang kanyang graduation photo, sinabi niya sa kanyang fans na  hindi birong pagsabayin ang  kanyang singing and acting career at college studies.

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

“I’ve realized it’s okay to admit I wasn’t perfect, I was struggling. I’ve juggled work and studies, yet managed to survive. I definitely have to say that it’s all worth it,” mensahe ni Julie Anne sa kanyang followers. 

Aniya pa, “As I went through four and a half years, I’ve learned that it pays not to worry so much about where you ranked but rather think about the joy you get with what you do. Life doesn’t offer us a smooth path. There will always be tough times, regrets and failures as well as success, reward and happiness,” masaya niyang pahayag. 

Pinasasalamatan ng singer ang Diyos, ang kanyang pamilya at mga kaibigan, for their support and unconditional love, lalo na ang kanyang professors at teachers na sabi’y for “imparting profound wisdom”.

Sa huli niyang post aniya,”The tassel’s worth the hassle.”