MASAYANG-MASAYA ang GMA Artist Center star na si Janine Gutierrez sa naipudar niyang condominium na nilipatan niya. 

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez
Aniya, masaya ang pakiramdam na maging independent at araw-araw ay may mga bago siyang natututuhan. 

“Ngayon lang po ako nagkaroon ng sarili kong kuwarto ‘tapos ‘yung gigising ka na walang nakaluto dahil ikaw dapat magluto,” sabi ni Janine.

Dagdag pa niya, very supportive raw ang kanyang mga magulang sa kanyang desisyon na bumukod. Kapag may mga kailangang tulong or tanong daw ang dalaga ay tinatawagan niya ang mga ito. 

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

“Ang laking tulong din talaga na nandyan ‘yung pamilya ko, nakasuporta. Si mama ‘pag may itatanong ako sa mga pagkain, si Papa ‘pag ‘Pa, paano ba ‘tong TV na ‘to? Or ‘yung shower?’