Venezuela Jailed Politician

CARACAS, Venezuela (AP) - Binisita sa kulungan ng dating prime minister ang Venezuelan opposition leader na si Leopoldo Lopez noong Sabado, unang pagkakataon sa loob ng mahigit dalawang taon simula nang makulong ang una dahil sa pagiging bayolente sa mga anti-government protest.

Ang sorpresang pagbisita ni Jose Luis Rodriguez Zapatero ay parte ng isang high-risk diplomatic effort upang maresolba ang lumalalang problema sa Venezuela.

Sinabi ni Adriano Lopez, kapatid ni Leopoldo, sa The Associated Press na ang kanilang pag-uusap ay tumagal ng halos 90 minuto. Wala umano siyang ideya kung anu-ano ang pinag-usapan ng dalawa at tumangging magbigay ng komento.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!