Hinimok ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. ang sambayanan na manmanan si President-elect Rodrigo Duterte at ang iba pang nahalal na opisyal sa pagganap sa kanilang mga tungkulin.
Ayon kay Pimentel, marapat lamang na bantayan ng sambyanan si Duterte upang matiyak ang maayos na pamamahala sa bansa.
Hindi umano naniniwala si Pimentel na magiging diktador si Duterte katulad ng kanyang mga inasal noong panahon ng kampanya, partikular na sa mga mamamahayag—at kung sakali man ay handa, aniya, siyang kontrahin ito. - Leonel Abasola