Darren Espanto

Darren Espanto

PATI si Boy Abunda ay napahanga sa mga kasagutan ng 15 years na si Darren Espanto. Sa murang edad ni Darren, nakakabilib ang pahayag nitong pag-aaral at career muna ang aasikasuhin niya kaysa magkaroon ng lovelife.

Maayos na naipaliwanag ni Darren na walang katotohanan ang isyung kasintahan na raw niya ang kasama niya sa music video sa latest niyang album. Kaibigan lang niya ang magandang babae na limang taon ang tanda sa kanya. 

“Ate Seph ko po ‘yun. Kaya ate ang tawag ko sa kanya dahil matanda siya sa akin. At sa totoo lang, du’n sa shoot lang kami nagkita at nagkakilala,” napatawang paliwanag ni Darren. 

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Binanggit na rin si Darren ang post niya para sa kanyang bashers. Wala raw siyang anumang intensiyon sa naturang post kundi maipaalam sa lahat na hindi tama ang ginawang paninira ng mga ito sa kanya. 

Inilabas lang niya ang saloobin niya dahil kahit papaano ay nasaktan din siya.

Samantala, dahil nagbibinata na ay kapansin-pansin na may pagbabago na sa timbre ng boses ni Darren. Ang dating sobrang matining at manipis na boses ay napapalitan na ng mas buo at mas mababang timbre na lalong hinahangaan sa kanya ngayon ng mga fans niya. 

Di ba Philip aka Dada? --Jimi Escala