GUIMBA, Nueva Ecija - Arestado ang isang kilabot na carnapper makaraang makorner ng mga tauhan ng Guimba Police sa pinagtataguan nito sa Barangay Maturanoc sa bayang ito.
Ayon kay PO2 Allan Miranda, dakong 11:15 ng umaga nitong Biyernes nang sorpresahin ng arrest warrant team si Geoffrey Coloma y Dela Cruz, ng Bgy. Cavite.
Inaresto si Coloma sa paglabag sa RA 6539 (Anti-Carnapping Law), at maaaring magpiyansa ng P180,000.
Bukod dito, may nakabimbin pang kasong theft si Coloma sa nasabing korte. - Light A. Nolasco