ANKARA, Turkey (AP) – Isang bus na nagdadala ng mga batang mag-aaral, guro at mga magulang ang bumangga sa isang sasakyan at nahulog sa kanal ng irigasyon, na ikinamatay ng 14 katao, kabilang ang anim na bata.
Sinabi ni Kerem Al, governor ng Osmaniye province, na 26 pa ang nasugatan sa aksidente na nangyari sa southern Osmaniye province habang pabalik ang bus mula sa school trip sa isang national park at museum.